Creative Commons License
The Streamlines by Ravenessence is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Monday, May 12, 2014

Ang Dakilang Puting Mangangaso

Noong taong dalawanlibo labing-isa, dalawang mautak na inbersor ang bumili ng mga reserba sa magkatulad na halaga at dahilan.  Kinabukasan, ang isang inbersor any tumulak patungong India upang manghuli ng mga tigre.  Habang ang dakilang puting mangangaso ay abala sa kanyang ginagawa sa India, ang reserba niya ay bumaba ng tatlompung bahagdan.  Walang nakikitang mainam na dahilan sa pagbaba nito, ngunit wari ng mga pantas ay dahil raw ito sa mali at negatibong ulat tungkol sa reserba.

Ang naiwang inbersor ay hindi napakali at agad ibinenta ang kanyang reserba kahit sa luging tatlompung bahagdan.  At siyempre, naibenta niya ito ng napakababa.

Samantala, ang dakilang puting mangangaso ay walang kaalamalam ukol dito; siya ay abala sa pagpatay at pagbabalat ng mga tigre.  Gumagamit siya ng ametralladora.  Ang mga bayarang mangangaso ay kumikita ng higit kung gumagamit  sila ng ametralladora.

Mahigit tatlong buwan ding nakalipas bago nakabalik ang dakilang puting mangangaso dala ang mga balat ng tigre, at kanyang natuklasan na ang kanyang reserba ay tumaas ng kalahating bahagdan.

”Patawarin nawa ang aking pananagalog!”

“Ibahagi mo ang iyong palagay tungkol sa kwento…”

No comments:

Post a Comment