Creative Commons License
The Streamlines by Ravenessence is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Sunday, April 20, 2014

Balang Araw by Kreyan

Madalas akong kiligin sa mga palabas na napapanuod ko
Madalas akong kiligin sa mga kwentong nababasa ko
Madalas sa madalas, nagtatagal ito
Minsan nga, tumatagos hanggang kaibuturan ko

Yung pakiramdam na t'wing may nakakakilig
May mararamdaman akong sayang nakakakiliti
Sayang gumuguhit ng ngiti saking mga labi,
Sayang makikita mo saking kabuuan at namumutawi

Pero pag tumatagal ang sensasyong ito
Pag tumatagal at sagunson ang kilig na nararamdaman ko
Ang mga kiliting kanina'y aking nadarama
Ngayo'y nagdudulot sa’kin ng kakaibang kaba

Kaba na mauuwi sa pagkirot ng aking puso
Sakit na nagpapawi ng mga ngiting kaninay usong-uso
Sakit na tumutusok sa’king damdamin
Tska nililipad ang ngiti ko sa hangin

Bakit kaya ganito ang aking nararamdaman
Bakit sa tuwing sasaya, kapalit ay kalungkutan
Bakit kailangan ko pang masaktan ulit matapos ang kagalakan
Hindi ba talaga puwdeng magsaya nalang ng tuluyan?

Bakit ba sa tuwing mararamdaman ko na ang swerte-swerte ko
Biglang may mawawala, biglang may maglalaho
Biglang may masasaktan, biglang may susuko
Tapos ako'y iiwan, malulungkot, at manlulumo

Paulit-ulit na lang ang sitwasyong ganito
Minsan nga’y napaisip ako kung anong punto nito
Bakit parating ang katapusan ng kwento ko ay ganto
Bakit parating pag-iwan at paglayo sa’kin ng mga tao

May kuwenta naman siguro akong tao kahit papaano
Maayos naman ako magmahal, yung totoo
Nagpapahalaga naman ako sa bawat makilala ko
Pero bakit, bakit kailangang iwan niyo ko?!

Minsan nga gusto ko ng huminto
Minsan nga gusto ko ng maglaho
Gusto kong tumigil sa pagtibok ang aking puso
Gustong-gusto ko ngunit malabong malabo

Balang araw siguro ako na man ang mang-iiwan
Ako na ang susuko, ako na ang di lalaban
Gusto kong subukan hindi dahil gusto kung gumanti o ano pa man
Ito'y dahil gusto kong makahanap ng rason para kayo’y maintindihan

Hindi ko maiwaksi ang pagmamahal sa’king puso
Kahit ilang beses akong masaktan, sigurado akong di ito susuko
Mag iintay ito hanggang sa isang araw ay makatagpo
Makatagpo ng isang taong tanggap ako, at saki'y di susuko.

No comments:

Post a Comment