Paano nga ba ang mawalan?
Ano nga bang pakiramdam ng maiwan?
Ilang beses ko na nga ba 'tong naranasan?
Paulit-ulit, nakakamanhid na nga kung minsan.
Bakit ba quoting-quota ako sa mga ganitong kwento
Bakit ba parating kailangan kong mabigo?
Masyado bang nakakatuwa na ako’y nanlulumo
Sa sakit ng paulit-ulit na saki'y pagsuko?
Masakit maiwan, alam naman natin yon
Maiwan ng minamahal o ng kaibigan gawa ng pagkakataon
May nagpapaalam, may bastang naglalaho
Walang pasabing mawawala, bakit ganon ako kadaling isuko??
Bangungot ang inaabot ko sa t’wing maaalala ko ang mga nangyari
Paulit-ulit ang mga kataga, ibang paraan ng pagsasabi
Wala pa akong planong matulog kahit malalim na ang gabi
Tiyak maaabutan na naman ako ng umaga kakahikbi
Paulit-ulit nga ang lahat pero bakit di pa rin ako nasasanay
Pareho pa rin ang sakit, parang kailan lang nung ako sayo'y nawalay
Madalas akong tumataghoy, sa labas naka tambay
Binubuga ang mga inerhiyang sakin ay nagpapatamlay
Napakadaming rason para ako ay maging masaya
Anjan ang Diyos, pamilya, kaibigan at iba pa
Wala naman kasing titigil na mundo pag nasaktan ang isang tao
Kailangang magpatuloy lang kahit ang daan ay mukhang Malabo
Masayang magising na alam mong madaming nagmamahal sa’yo,
Dagdagan pa ng mga halama't bulaklak na bumubungad pag labas mo
Ang bawat hampas ng hangin na yumayakap sa’yong puso
Mga bagay na pumapawi sa bigat ng buo mong pagkatao..
Balang araw makakalimutan ko ang mga nangyari
Susubok ako ulit at magbabaka sakali
Maaaring ako’y sumaya na sa aking pakiwari
Ngunit maaaring masaktan muli, pero pangako, sasaya ako at makakabawi.
No comments:
Post a Comment