Matagal-tagal na rin mula ng tayo’y maging magkaibigan
Marami-rami na ring tawa at luha ag ating napagsaluhan
Random shits, laging napaguusapan
Feelings kaya natin, kailan?
Hindi mo lang kasi alam, ako’y sa’yo
Bawat galaw mo, napapansin ko
Bawat sulyap mo, natatandaan ko
Bawat ngiti mo, kinakikiligan ko
Kahit yung “hi” mo, namimiss ko.
Masaklap lang na di mo alam
Bulag ka ba? Smile ko pa lang halata na.
Blush ko pa lang, obvious na
Sulyap ko pa lang, sapul na.
Gusto mo bang hawakan pa kita ng mafeel mo na ako’y sayong-sayo?
Ng maramdaman mong malamig ang kamay ko sa tuwing magkasama tayo
Ng makuryente ka rin sa kilig kapag kausap mo ako.
What if… mag work tayo?
What if ako na pala ang hinahanap mo?
What is ako talaga yung para sa’yo?
Nandito lang naman ako,
What if…
Mahalin mo rin ako?
(Mahalin mo naman ako.)