Creative Commons License
The Streamlines by Ravenessence is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.

Thursday, November 27, 2014

You. You. You. by Kreyan

You are the apple of my eye
The mango to my pie
The because of my whys
And the one I’ll never say goodbye

Pero syempre joke lang ito bay
Malayong-malayo pa siguro tayo sa ganitong lagay
Kaya sa ngayon eto muna ang sayo'y aking maibibigay
Tugon sa hiling mong tula na sa iyo’y aking mai-aalay

Palagay ang loob ko sa iyo , di natin ‘yon maitatanggi
Para tayong pinagbiyak na bunga na pagkalakilaki (hahaha)
Madalas tayong nagkakaintindihan sa mga bagay na ating napaguusapan
Pareho pa tayo ng mga hilig nako meant to be nga naman… (lol)

Marami tayong pagkakatulad sa kahit anung larangan
Feeling ko nga pinagtagpo talaga tayo ni Lord para ako ay iyong ingatan
Ingatan lang pagkat di naman ako kailangang alagaan pa
Okay na sa’kin yung nanjan ka pag kailangan kita kahit bigla ka din namang nawawala

Para sa’kin ikaw yung tipikal na pwedeng guy best friend ko
Siguro nga close friend ka ng lahat kasi naman ang bait mo
Hindi mali, di ka mabait, approchable ka lang
Madalas ikaw pa yung nang aaproach kung kani kanino na lang

Palakaibigan ka lang siguro talaga and the heart to listen was there
The heart to listen was there even if you really didn’t care (haha)
Ang tanging pakay mo lang naman talaga ay ang makitsismis at makinig
At yung last part lang ang nakikita ng tao kaya sayo sila’y napapalapit

I understand that you are a witty person
Sa lahat at ano mang bagay ikaw ang may explinasyon
Sometimes I just don’t get what you try to make me understand
Pero umaakto akong nakakaintindi para matapos na ang usapan

Alam mo ba, if you don’t look like the way you look like now
And I don’t look like the way I look like now, I might like the thought of liking you?
Kanina ko lang naisip to kaya pagbigyan mo na ako
Nagrarhyme naman diba ‘tamo?
Ah basta pwede, baka , cguro, malamang balang araw, oo.
Basta sa ngayon, di ko pa alam, wala pa ako sa sarili ko, alam mo naman diba kung bakit bro?

Nakakatawa pero naisip ko din kanina
Na baka ikaw lang balang araw ang aking pag-asa
Pag naisipan kong tumungo sa tuwid na daan, gets mo naman diba? (haha)
Alam mo na ang ibig kong sabihin sa straight line oha?
Ah basta ang importante nanjan ka, tapos! wala ka ng magagawa..haha

Ikaw yung isa sa iilang tao na nakakakilala sa totoong ako
Di man tayo nagkikita alam kong naiintindihan mo ako
Alam ko na sa bawat pighati at saya ko, ramdam mo ako
Salamat kasi di mo’ko iniwan kahit nalaman mo ang totoo

Salamat sa pagtanggap sa’kin ng buong-buo
Salamat kasi mas pinili mong umintindi kesa husgahan ako
Salamat kasi madalas napapadama mo sa’kin na nanjan ka pag kailangan kita
Salamat kasi kakuntsaba kita sa mga kalokohan ko, ikaw na talaga...haha

Oh tama na masyado kanang natutuwa iho
Baka mainlove kana sa’kin nyan, wag muna jusko
Kailangan ko na munang tapusin to pagkat ako’y matutulog na
Salamat sa pagkakaibigan, wag mo’ko iiwan ha?