Chapter
1
Hysteric
ang tanan kay wala pa nagstart ang program, wala pa man gud ang emcee ug ang
singers—kami yun. Nagpatulong kasi ang food committee sa hindi pa natapos
iprepare na food—cocktail party daw ni amo adtuan eh. Nagtetext na ang
karamihan, nag-aapura. Impatient na daw si Sir dahil ang bagal daw
namin. Si Jun panay dasal na, siya kasi ang nag iisang program
“committee” na super dedicated sa kanyang work. Buti na lang kamo
magaling at mabilis mag maneho ang napaka-cute naming friend (‘tago natin sa
pangalang Pim)… murag professional car racer jud ni siya sa iyang past life
bah, wala lang galing pananghid sa iya parents nga gamiton niya ilahang car…
medjo bad girl. Ang problema pud nako, nasa likod ako ng pick-up niya,
taga-bantay sa mga pagkain laban sa external forces like wind, dusts, and
everything (take note, naka attire na ako nyan). Pwede naapply jud nako
ang Newton’s Law of motion kada break, kada liko, and kada change gear.
Well, at least may hairstyle na ko dahil sa hangin…haha
Makalipas
ang 25 minutes, nakarating kami sa venue—napaka-haggard na, super.
Lumabas ang ilan para tulungan kami sa paghakot ng food papunta sa loob…
camaraderie gud daw ni, tulong-tulongan.
Buti
nalang di sila bored. Nag start na kasing mag concert ang band ni Sir na
punk and napaka-young… at heart. Hindi man lang din nag effort
magdamit—shocking lang… labaw na ang vocalist! Parang inuman lang ang habol
pre? Pakurog pa mag kanta, Beegees ang peg ni kuya. Ang ila pud nga
pianist, scary, murag professor nga napugos mag piano—smile pud lo. In
addition, si Sir revelation kaayo, bassist with the moves… kuyaw! Ana man
jud ng musicians siguro, feel na feel ang vibrations sa sound waves,
piyung-piyung pa… mura bag end of the world na ugma mao na nga ingana na siya
ka emotero. Trending pud ila kanta, uso kaayo, modern na modern…
wooh. I wonder lang kung unsa ang pangalan sa ilang banda… kay mura man
silang mga habal-habal drivers nga wala ka pasada, pangalanan na lang nako
sila’g “The Habals” or “The Thunder Habals”.
Pormal
ng nagstart ang program, si Ru nag opening remarks and after that, nag
introduce sa first singer—murag ako jud to. Ordinary song ako first
song. Next singer was Kath. “Kath” lang para matago pud gamay ang
pangalan. She’s the hottest singer I have ever seen and heard in my life…
grabe killing me softly pa jud iyang gikanta, nisayaw pa… unsa pa ba imo
pangitaon? Total entertainer si ate… but I remembered earlier that day, she
told us that her father wants her to be a nun (english lagi ni?).
Iniimagine ko siya na nakasuot pang madre, and I admit bagay sa kanya.
Pag nagkataon, siya na ang pinakamagandang madre na makikita ko. Well,
we’ll never know the future…
Nag
reminiscing portion pagkatapos ng first set of singers. Pinaalala ba
naman ang mga kalokohan nung filmmaking namin. Nakakatawa pala talagang
balikan ang mga pangyayaring yun… epic... from the unforgettable moments
to the unforgettable lines walang pinalampas ang ang mga emcee.
The
economics class had their intermission number after that. Yun lang…
Chapter
2
Kath
and I sang for the second time. I rendered the song “You”. Kath
sang “Sway”. May ilang lalaki na tumayo at naghanap ng makakapartner sa
sayaw. Nakita ko siya sa corner. Pupuntahan ko sana para isayaw pero
naunahan ako ng “close friend” niya. Kanina pa yang “close friend”
niya. Nainis ako dahil ang higpit ng hawak ng lalaking yun sa
kanya. Nainis ako dahil ang bagal ko. Bumalik ang pakiramdam ng
rejection sa akin na naranasan ko na ilang taon ng nakararaan. Akala ko
nakamove-on na ako, pero masakit pa rin palang maalala na di ka isayaw ng mahal
mo. I hate to admit pero bagay sila. Gusto ko sanang maniwala na
close friends lang talaga sila (I mean the feeling), ngunit bawat hininga,
bawat gestures, bawat ngiti, at bawat usap nilang dalawa parang may laman at
may ibig sabihin na mas malalim pa sa pagiging magkaibigan. Aggressive din
itong si lalaki, murag mamatay kung kung di kauyab. Intimidated na talaga
ako. Ngunit pinili kong maghintay, pinilit kong intindihin, at sinubikan
kong magmasid, maging manhid sa bawat bulong-bulungang kumakalat sa bawat
sulok… issue gud daw. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit sumpa ang
aking kakayahang makakita ng maliliit na details. Pumikit na ako,
lumingon sa gilid, at naghanap ng paraan upang di ko lang sila makitang masaya
sa isa’t-isa, ngunit di ko pa rin mapigilang mapansin sila. Sa bawat
nakaw na tingin, sa bawat pahapyaw na lingon, sa bawat dinig ko sa tawa ng
bawat isa ay siya namang durog ng aking puso, piga ng aking hininga, pagkatuyo
ng aking dugo at paglabas ng aking luha sabay punas ng aking malamig na kamay
sa aking mga mata. Gusto kong lumabas ngunit may mapagparayang bahagi ang
puso ko na gusto siyang makitang masaya kahit na nga di dahil sa akin. Kaya
nanatili ang paa ko na di makagalaw sa aking kinatatayuan; nanatili ang
puso kong nasusunog sa sarili kong dugo.
Para
akong mamamatay na to the extent na nagflashback na sa akin ang mga moments
noong una ko siyang makita noon. Napapansin ko na siya dati pa dahil
magkatabi lang kami ng room sa majors namin. Simpleng babae, nakaT-shirt,
minsan nakahood at jeans. Napaka-catchy niya talaga… ang cute. Ang
ganda ng speaking voice. Kaya lang, malaki na ang kanyang pinagbago mula
nung nakilala niya ang lalaking yun.
Kasalanan
ko din naman kung bakit ganito ako ngayon, I accept the consequences. A
friend told me years ago na “ana man jud na siya ang love, dili dapat ka mag
expect ug reciprocity.” Akala ko kaya ko, akala ko tanggap ko na ganyan
nga. Pero parati na lang ganyan. Naalala ko tuloy sabi ng friend ko
na pang “super friend material” daw ako… nah wa jud ta ani. Pabirong sabi
ko pa, mag pari na lang ako…
Sumunod
ang ilan pang mga kanta at isa pang love song ang isinayaw nila. Hindi na
ako nakapagpigil at lumapit na ako para hingin ang sayaw niya sa “close friend”
niya. Walang pagsidlan ang aking galak ng mahawakan ko siya. Para
bang gusto kong pabagalin ang oras para man lang makasama ko siya ng matagal-tagal.
Siya na yata ang pinakapeaceful na babaeng nakita ko noong gabiing
iyon. Di ko makalimutan ang kislap ng kayang mga mata at ang kanyang
ngiti na bumalot sa buo niyang pagkatao. Ngunit may saglit na pagtataka
akong naramdaman dahil ang mga mata niya’y di ko mabasa. Hindi ko man
lang alam kung ano ang kanyang naramdaman that time. Masiyado ba siyang
mabait para pagbigyan ako? Or napilitan lang ba siya at nasayangan sa moment
nila or nahihiya lang talaga siya? Masaya ba siya? Hindi ko alam pero ito ang
mga taong nag rereverberate sa utak ko. Hindi naman ang sayaw ang
mahalaga noong mga oras na iyon, kundi ang feelings niya.
Chapter
3
Ang
dami kong di alam. Kailangan ko pa mag effort mag analyze ng situations
para maintindihan ang kung ano man ang nangyayari sa kanila. Hindi ko nga
malaman kung bakit ganito bakit ganyan… ang mood swings. Madalas out of
place na ako pero noon wala pa akong pakialam. Sana naman maintindihan ko
ang lahat para di na ako mahirapan gaya nito.
Natapos
ang party na di ako buo. Umuwi ako na kalung-kalong ang mga tanong na
pilit kong hinahanapan ng sagot, tinatagpi-tagpi ang kalat-kalat na mga
pangyayari na gusto ko ng makalimutan agad. Nalungkot, hindi
nagalit. Nagselos ako, hindi nainggit. Lahat ng yan, naramdaman ko
kahit wala akong right dahil wala naman talaga akong rights sa kanya… classmate
lang ako.
Chapter
4
Mabuti na siguro
itong ganito. Bago ko kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya at least sa
maikling panahon nasabi at naipadama ko kung gaano siya kahalaga sa akin at
kung gaano ko siya kamahal (kahit na most of the time, sa pinakacorny na way
pa). Sa ganoong kaikling panahon, marami akong natutunan para sa sarili
ko. Mas naging patient at understanding ako, natuto akong magsacrifice,
magbigay na di naghihintay ng kapalit, and most importantly, mas natuto akong
magpahalaga sa mga taong alam ko will stay with me till the end… friends.
I
now appreciate this song… super:
“My
shattered dreams and broken heart are mending on the shelf. I saw you
holding hands, dancing close to someone else. Now I sit all alone,
wishing all my feelings were gone… I gave my best to you, nothing for me
to do but have one last cry before I leave it all behind. I gotta put you
out of my mind for the last time… I guess I’m down to my last cry.”-One Last
Cry by Brian McKnight
Chapter
5
Makalipas
ang ilang araw, humingi siya ng paumanhin sa pagiging insensitive daw
niya. Agad ko siyang pinatawad kahit na alam ko wala naman siyang
nagawang kasalanan. Humingi din ako ng tawad sa pagiging childish ko
ngunit di na siya nagreply. Tanggap ko ang lahat. Kinabukasan,
nagpansinan kami pero wala na ang spark of friendship na nabuo namin over
time. Balik na naman kami sa dati… at kasalanan ko… kasalanan ko.
Naisip ko bigla, paano kaya kung di na ako nagreact? Parang wala lang
nangyari kung magkaganon, pero mananatili naman akong bulag, bingi, at manhid
sa mga nangyayari sa paligid, at patuloy akong maghihintay ng tamang panahon…
magaparaya, magiintindi, magpapatawad and so on…
Hindi ko pa maisulat kung
ano ang kasunod ng kwentong ito. Balak ko sanang gawin itong happy ending
pero ang hirap. Di kasi ako makarelate sa happy endings…